Huwebes, Mayo 13, 2010

Makapiling ka part 3

“alam mo. May kulang sayo..” sambit ni Kim.

“ huh? Ano yon?” sagot ko naman.

“ Kulang ka sa social life.. hehe. Lage ka lang kasi school tapos sa bahay. Simula ng umalis c Lewon di ka na nag gigimik.”

Tama nga naman si Kim. Bestfriend ko si Kim simula ng 1st year college. Magkakilala kami nung high school hanggang ngayon siya lang ang bestfriend ko. Sabi nila loner ako kasi di ako mahilig makipagkaibigan. Matipid ako sa salita sa mga taong di ko kilala. Outspoken lang ako sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko.

Jenna: Dinala naman ako ni Yen sa tambayan nila eh..actually marami ako nakilala dun

Kim: Talaga? Sama mo kaya ako dun minsan. Baka Makita ko soulmate ko dun. Hehe

Jenna: haha.. loka ka..

Kim: oh kelan ka lang ba nagkahilig sa seafoods? Di ba di ka kumakain nian?

(napansin ni Kim na shrimp tempura ang binili ko. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen ng pananghalian. Isang oras lang lunch break pagkatapos nun ay pareho kaming may pasok.)

Jenna: ai wala na kasi ibang ulam eh.. hehe..

Kim: haha naalala ko tuloy sinabi ng classmate ko about sa shrimp lady.

Jenna: ano naman yon?

Kim: ung sexy ang katawan.. perfect body wag lang titingin sa mukha.. wag na isama mukha .. para perfect na lahat

Jenna: ganun? Sama naman nun.. haha..

Lumingon ako sa may bintana ng canteen. Nahagilap ng paningin ko c Red. Dun pala xa sa sulok nakaupo. Kasama niya ang kaibigan si Romeo. Sa tuwing nakikita ko xa, naaalala ko ang nangyari dalawang araw na ang lumipas. Hay naku! Bakit ba kasi hindi maalis yun sa isipan ko.

Di ko namalayan na nakatingin na rin pala xa sa akin. Tae na. patay mali ako. Yumuko ako at kumain. Nahalata ba niya? Naku! Baka ano na naman isipin ng kumag na yon!

“oi babaeng kumakain ng shrimp tempura..”

Teka pamilyar ang boses na to huh.. lumingon ako sa likod ko. Si Red pala. Ang bilis niya naman nakalapit sa table namin.


Nang tumingin ako sa kanya. Ngumiti xa. Ano ba kailangan ng kumag nato?

Red: Nakita kita huh. Tinititigan mo ako kanina..

(parang gusto ko xang buhusan ng tubig para mawala ang kayabangan niya.)

Jenna: tinititigan? Sino? Ikaw?

Red: Bakit? Sino pa ba? Kahit tanungin mo si Romeo. Nahuli kita nakatingin sakin kanina.

Jenna: (napatayo ako sa inis.) hoi PULA ! Napatingin lang ako sayo at di ko sinasadya un. Bakit ba big deal sayo kung tumingin ako?

Red: Baka kasi may gusto ka sa akin. Shrimp Lady..

Lumaki mata ko sa aking narinig. SHRIMP LADY? Tumingin ako kay Kim. Nagulat din xa sa kanyang mga narinig. Ako? Shrimp Lady? Baliw ka talaga PULA ! Tinangka ko xang sampalin pero nahawakan niya kamay ko. Malakas siya napa atras ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Lumapit mukha niya sa mukha ko. Gusto pumikit ng mga mata pero pinigilan ko. Gusto ko makita ang gagawin niya.


Red: Akala mo siguro hahalikan kita ulit? Swerte mo naman. Aksidente lang un nangyari. Di na mauulit yon. Tsaka gusto mo ako sampalin? Haha too bad.. di mo na mauulit un. Isa lang sadya ko dito kung bakit ako lumapit. Ang bracelet ko. Alam ko na sayo un.

Parang paralisado ang buo kong katawan. Oo nga pala. Nasa akin ang bracelet na dapat pala ibibigay ni Red kay Misty.

Binitiwan na niya ako sa kanyang pagkakahawak. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ung pouch na may laman ng bracelet na hinahanap ni Red. Nanginginig ang kamay ko. Ewan ko ba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Binigay ko agad ang hinahanap niya. Napaupo ako dahil sa di ko inaasahan pakiramdam.

Red: o nga pala. Wag ka lage kumakain ng shrimp tempura baka magmukha ka nang udang.

Lumakad xa papalayo. Ano ba naman to! Bakit di ako nakasagot sa lahat ng mga sinabi niya?

Kim: jen, ok ka lang? gago nun huh.. sino ba yon?
Jenna: tinawag niya akong shrimp lady.. ang sama talaga niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento