Huwebes, Mayo 13, 2010

Makapiling ka part 3

“alam mo. May kulang sayo..” sambit ni Kim.

“ huh? Ano yon?” sagot ko naman.

“ Kulang ka sa social life.. hehe. Lage ka lang kasi school tapos sa bahay. Simula ng umalis c Lewon di ka na nag gigimik.”

Tama nga naman si Kim. Bestfriend ko si Kim simula ng 1st year college. Magkakilala kami nung high school hanggang ngayon siya lang ang bestfriend ko. Sabi nila loner ako kasi di ako mahilig makipagkaibigan. Matipid ako sa salita sa mga taong di ko kilala. Outspoken lang ako sa mga tao na pinagkakatiwalaan ko.

Jenna: Dinala naman ako ni Yen sa tambayan nila eh..actually marami ako nakilala dun

Kim: Talaga? Sama mo kaya ako dun minsan. Baka Makita ko soulmate ko dun. Hehe

Jenna: haha.. loka ka..

Kim: oh kelan ka lang ba nagkahilig sa seafoods? Di ba di ka kumakain nian?

(napansin ni Kim na shrimp tempura ang binili ko. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen ng pananghalian. Isang oras lang lunch break pagkatapos nun ay pareho kaming may pasok.)

Jenna: ai wala na kasi ibang ulam eh.. hehe..

Kim: haha naalala ko tuloy sinabi ng classmate ko about sa shrimp lady.

Jenna: ano naman yon?

Kim: ung sexy ang katawan.. perfect body wag lang titingin sa mukha.. wag na isama mukha .. para perfect na lahat

Jenna: ganun? Sama naman nun.. haha..

Lumingon ako sa may bintana ng canteen. Nahagilap ng paningin ko c Red. Dun pala xa sa sulok nakaupo. Kasama niya ang kaibigan si Romeo. Sa tuwing nakikita ko xa, naaalala ko ang nangyari dalawang araw na ang lumipas. Hay naku! Bakit ba kasi hindi maalis yun sa isipan ko.

Di ko namalayan na nakatingin na rin pala xa sa akin. Tae na. patay mali ako. Yumuko ako at kumain. Nahalata ba niya? Naku! Baka ano na naman isipin ng kumag na yon!

“oi babaeng kumakain ng shrimp tempura..”

Teka pamilyar ang boses na to huh.. lumingon ako sa likod ko. Si Red pala. Ang bilis niya naman nakalapit sa table namin.


Nang tumingin ako sa kanya. Ngumiti xa. Ano ba kailangan ng kumag nato?

Red: Nakita kita huh. Tinititigan mo ako kanina..

(parang gusto ko xang buhusan ng tubig para mawala ang kayabangan niya.)

Jenna: tinititigan? Sino? Ikaw?

Red: Bakit? Sino pa ba? Kahit tanungin mo si Romeo. Nahuli kita nakatingin sakin kanina.

Jenna: (napatayo ako sa inis.) hoi PULA ! Napatingin lang ako sayo at di ko sinasadya un. Bakit ba big deal sayo kung tumingin ako?

Red: Baka kasi may gusto ka sa akin. Shrimp Lady..

Lumaki mata ko sa aking narinig. SHRIMP LADY? Tumingin ako kay Kim. Nagulat din xa sa kanyang mga narinig. Ako? Shrimp Lady? Baliw ka talaga PULA ! Tinangka ko xang sampalin pero nahawakan niya kamay ko. Malakas siya napa atras ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Lumapit mukha niya sa mukha ko. Gusto pumikit ng mga mata pero pinigilan ko. Gusto ko makita ang gagawin niya.


Red: Akala mo siguro hahalikan kita ulit? Swerte mo naman. Aksidente lang un nangyari. Di na mauulit yon. Tsaka gusto mo ako sampalin? Haha too bad.. di mo na mauulit un. Isa lang sadya ko dito kung bakit ako lumapit. Ang bracelet ko. Alam ko na sayo un.

Parang paralisado ang buo kong katawan. Oo nga pala. Nasa akin ang bracelet na dapat pala ibibigay ni Red kay Misty.

Binitiwan na niya ako sa kanyang pagkakahawak. Agad kong kinuha ang bag ko at hinanap ung pouch na may laman ng bracelet na hinahanap ni Red. Nanginginig ang kamay ko. Ewan ko ba. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Binigay ko agad ang hinahanap niya. Napaupo ako dahil sa di ko inaasahan pakiramdam.

Red: o nga pala. Wag ka lage kumakain ng shrimp tempura baka magmukha ka nang udang.

Lumakad xa papalayo. Ano ba naman to! Bakit di ako nakasagot sa lahat ng mga sinabi niya?

Kim: jen, ok ka lang? gago nun huh.. sino ba yon?
Jenna: tinawag niya akong shrimp lady.. ang sama talaga niya.

Makapiling ka part 2

"BASTOS!” sambit ko na may halong pagkagulat pa sa pangyayari.

“taena! Kala ko c Misty!” sabi ng lalaking manyak ata.

Nagulat silang lahat. Halata sa mukha eh..

Sino ba naman di magugulat sa ginawa nia! Manyak ata lalaking to.

Yen: (natatawa) Loko ka talaga Red. Hindi c Misty yan.. hehe c Jenna yan. Classmate ko. Bago lang xa dito.

(naloloka ako. Nagtawanan silang lahat. Parang ako ang napahiya sa nangyari. Tumingin ako sa lalaking yon. Napangiti at tumawa na rin xa

Red: hahaha.. ganun ba.. Sorry naman kung ganun. Bago ka pala dito. Sorry miss. Kala ko kasi ung bestfriend ko na c Misty. Kaya pala kala ko tumaba c misty. Yun pala hindi xa. (tumawa xa ng malakas)

Jenna: Wow... nagsosorry ka pa sa lagay na yan? ( naaasar na talaga ako sa mga oras na yon. Gusto ko xa suntukin at ipakain sa kanya ang kamao ko. Para sumara na bibig niya)

Red: (nakangiwi) wag ka mag alala miss. Kiss at hug lang yon. Di ka naman narape eh.

Jenna: bastos ka rin noh! Ganyan ka ba magwelcome ng baguhan dito? O baka sinadya mo yon para maka chansing ka lang!

Red: hahaha.. kung magchansing lang miss.. sana di na lang sayo.

(mayabang talaga kumag nato. Sasampalin ko na sana xa nag lumapit sa akin si yen)

Yen: Pacensya ka na sa kanya Jenna. Maloko talaga yan. O nga pala, Red siya si Jenna.. Jenna si
Red. Kaw talaga Red wag ka nga ganyan kay Jenna. Baka di na bumalik yan dito.

Sumabat aman ang isang lalaki sa usapan. Lumipas ang ilang minuto nawala na sa usapan ang nangyaring insidente. Napa irap sakin c Red. Hindi man lang niya naisipan akong I shake hands. Tsk. Di ko naman inaasahan yon mula sa isang bastos na tulad niya. Itsura pa lang niya, mahahalata na talaga na wala sa bokabularyo nia ang rumispeto ng babae.

Lumipas ang isang oras. Umuwi na kami ni Yen, kinukulit ko na kac xa umuwi kac 8pm na.. baka maaga umuwi si ate ngayon. Baka pagalitan ako. Sa mga oras na yon. Nahalata kong walang ibang ginawa c Red kundi ang makinig sa Ipod nia. Tahimik lang sa sulok. Masaya naman kasama mga tao dun sa tambayan.

Paalis na kami ni Yen ng biglang lumapit c Red sa kanya.

Red: Yen, nagtext ba sayo si Misty? Di ko pa xa nakikita ngayong araw. Hindi rin xa nagrereply sa text ko. May plano ba xang pumunta dito sa tambayan?

Yen: Hndi ko alam Red eh, baka naman busy lang yun.

Umalis na kami. Habang papalayo kami. Hindi ko mapigilan ang tumingin sa kanya. Aaminin ko. Nakuha niya atensyon ko. Sayang pa naman kagwapuhan niya dahil sa pinakita niyang kayabangan sakin kanina. Tumalikod na ako. Papalayo sa tambayan kasama ni Yen.

“oi Red. Di ko nakita si Misty ngayon. Pero ang alam ko busy xa sa research paper nila kaya wla xa masyado time dito tambayan.” Sambit ni Romeo kasama ni Red.

“Sino nga ulit yung babae na kasama ni Yen? Sabi ni Red. “Ahh… si Jenna ba? Bakit?” sagot ni Romeo.“ Wala naman. Para talaga xang c Misty pag nakatalikod.. Pati ung amoy ng buhok niya.” Tugon ni Red.

Nakarating na ako sa bahay. Buti naman wala pa si ate. Nagbihis agad ako. Gusto ko sana kumain pero nawala gana ko. Parang nabusog ako sa nangyari kanina. Nabusog kay Red? xD ano ba naman naiisip ko. Kung sa bagay 4 months na rin nakakaraan ng may last na humalik sa’kin na lalaki. Aw.. kung meron man nakahalik sa pisngi ko sila ate at mama lang yon.

Nagtext sakin si Lewon. Magcchat daw kami sa ym. Araw-araw kinukumusta niya ako at lage ko naman siya kinikwentuhan ng mga pangyayari sa akin sa buong araw. Pero ang nangyari kanina? No way. Wag yon. Di ko sasabihin kay Lewon yon. Tahaha nabig deal yata un bigla sa akin.

Teka.. san ko ba nailagay eye glass ko? Lage ako napapagalitan ni ate pag hindi ako naka eyeglass kapag nakaharap ako sa laptop ko. Hmm.. asan nga ba un? Ai oo nga pala.. nasa bulsa ng uniform skirt ko kanina.. Binuksan ko ang cabinet ko at knuha ang skirt. Nang makuha ko ang eye glass ko sa bulsa may nalaglag na maliit na pouch. Parang lalagyan ng bracelet o necklace. Binuksan ko. Hala..

Nangmakita ko.. isa nga itong bracelet na may kasama kapirasong papel.

“Misty.. bhest.. sorry talaga sa mga nasabi ko. Please wag mo akong iwasan”

Makapiling ka

*alarm*

lakas ng tunog ng alarm ko sa fone.. shit.. prang ang bilis ng oras.. habang nkahiga pa ako sa kama ay kinakapa ko pa sa may unan ko ang cellphone kong ang ingay dahil sa alarm.. asar naman.. gusto ko pa matulog.. naleche na.. tinatamad na naman ako.

Gusto ko na naman matulog whole day. Ayaw ko mag-isip ng mga dapat gawin ngayong araw na’to. Lalo na ang pumunta sa school dahil sa sobrang boring ng lahat ng bagay na nakikita ko dun. Di naman ako ganito dati. Sabi nga ni mama, masipag daw ako mag-aral nung high school. Honor Student at Varsity Player. Naks.. kung sabagay totoo nga naman sabi ni mama. Ngayong college nako, Tanong ko na lang sa sarili ko.. San na napunta kasipagan ko? Kaloka.. Parang sinipsip ng kapaligiran ang buong energy ko sa katawan kaya eto.. naiwan sa katawan ko lahat ng katamadan sa mundo.

Bumangon nako. Dumeretso sa CR, nakaharap sa salamin. WTF! May pimples ako sa ilong. Ano ba yan! Sa lahat ng parte ko sa katawan, bakit sa may ilong pa? Is this a sign of a very bad day? Feeling ko malas ang araw na ito.May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si ate pala.

Ate: Jenna, buksan mo pinto. Tulog ka pa ba? Bangon ka na dyan. Nakalimutan mo ba na may pasok ka ng 8am ngayon?

(Lalong lumakas ang katok nia sa pinto.. Araw-araw na lang ganito eksena sa umaga..)

Jenna: Alam ko.. Maliligo lang ako. Hintayin mo ko huh.. Hatid mo ulit ako sa school. Kakatamad maglakad eh.

(Malapit lng kasi ang school ko sa bahay. Kaya aman naglalakad na lang ako pag punta at pauwi mula sa school. Pero minsan hinahatid ako ni ate kasi may kotse xa. Ai oo nga pla, c ate joy ko ay ang panganay sa amin magkakapatid. Isa na siyang doctor ngayon sa isa sa hospital dito sa Davao City. At ako bilang bunso sa magkakapatid ang pinakapilya sabi ni ate. Hahay ganun daw tlga pag bunso.)
Ate: Nakabihis nako. Ano ka ba.. 7:30 na.. ang kupad mo tlga. Mauna nako.
Ayon, naiwan na naman ako. Daig ko pa c flash kung makakilos ng nalaman kong 7:30 na pala. Ayon sa awa ng Diyos, at exactly 8am naka abot ako sa room namin. Tahaha.. Bilib na talaga ako sa talent ko. Naiwan ko pa pala panyo ko at wallet sa kusina. Asar.Buti na lang may barya pa ako sa bag. Pwede na pang snack ng torun.
Natapos na naman ang araw na’to sa inaasahan ko. 6pm na, kaya umuwi na ako sa bahay. Dahil sa dalawa lang kami ni ate sa bahay at 9pm pa umuuwi si ate. Lagi ako nag didinner alone sa bahay. Solo ko ang table. Walang kaagaw sa pagkain.
Palabas na ako ng gate ng mag ring ang cp ko. Ayon. xD nagtext pala ang mabait kong boyfriend. Hahaha.. Buti naman nakatext na rin xa. Araw-araw di niya nakakalimutan magtext sakin. Lalo na sa gabi. Kaya lage na lang ako unlimited text at call. Masaya. Masarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal at nag cacare lalo na kung feeling mo ang boring ng life.
Mag 6 months na kami ni Lewon. Kahit na pareho kaming pasaway minsan, nagkakaintndahan naman kami. Masaya kahit na di maiiwasan na may away. Ayos na sana kami dalawa eh. Kaso Long-distance. 4 months ago, isinama xa ng mama niya sa manila upang dun muna ng isang taon.
*flashback*
Lewon: Mahal kita Jenna. Alam mo yon. Kaya mo ba maghintay ng kahit isang taon lang? Babalik ako. Promise. Babalik ako para sayo.
Jenna: Isang taon lang? Matagal yon huh. Maganda pa naman ako. Baka may makilala ako dyan sa tabi tabi. Mahalin ko bigla. Pano yun?
Lewon: Jenna naman eh.. Nagpapatawa ka ba? Pag ginawa mo yun. Sige ka maghahanap din ako dun. (hinawakan niya ang kamay ko.. magkaharap kami.. di ko malilimutan ang mukha niya sa panahon na yon. Ang mga mata niyang nkatitig din sa mga mata ko. Ang makinis niyang mukha. Malambot niyang pisngi. Oo langit na.. Langit ang mkapiling xa)
Jenna.. Kung gagawin ko man yon. Sisiguraduhin ko na isang katulad mo ang mahahanap ko. Pero walang papantay sayo dito sa puso ko. Sana ipangako mo sa akin na maghihintay ka.
Niyakap ko lang xa sa oras na yon. Binulong ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.
Namimiss ko xa araw-araw. Araw-araw hinihiling ko na sana nandito xa.
“JENNA!!!!” napalingon ako.. may sumigaw ng pangalan ko.
Si Yen pala. Classmate ko at pareho kami ng course nia.
Yen: Jenna join ka aman sa tambayan. Dun lang malapit sa college building. mrami tao dun. Meet new friends.
Jenna: ay di ako interested eh. Sige uwi nako.
Yen: Ano ka ba! Cge na..
(hinila niya ako para sumama. Kaya napilitan na rin ako sumama. Kung sabagay walang tao sa bahay kaya ok na rin)
Nakaabot na kami sa sinasabi ni yen na tambayan.
May 10 tao na ako nakikita dun sa maliit nilang tambayan. May mga bench at mahabang mesa. Nag jajamming pala sila. Ipinakilala ako ni Yen sa kanila. May familiar faces pro ung iba di ko kilala. Maliit sila na grupo ng mga mahilig sa music. Kaya halos sa kanila may guitar or di kaya ibang instrument pang acoustic. Napansin ko rin na pang acoustic songs mga kinakanta nila. Kaya pala matagal umuwi c Yen dahil dito.
Naupo ako sa tabi ni Yen. Nag may biglang yumakap sa akin. Damang dama ko ang braso nia nakayakap sa baywang ko. Nang lumingon ako. Isang halik sa pisngi ang aking naramdaman. “ BABY koi! Hahaha Miss you..” katagang binitawan ng lalaking nkayakap sa akin. nabigla ako sa mga pangyayari. Nang mkita ko ang kanyang mukha. Tiningnan niya ako. Pareho kaming gulat sa pangyayari.. Bumitiw siya sa pagkakayakap niya sa akin. Nasampal ko siya. “BASTOS!” sambit ko na may halong pagkagulat pa sa pangyayari. “taena! Kala ko c Misty!” sabi ng lalaking manyak ata.Nagulat silang lahat. Halata sa mukha eh..